DAGUPAN CITY- Nagulat ang buong Japan matapos ang isang trahedyang kinasangkutan ng 28-anyos na lalaki mula Tokyo, matapos sadyaing sagasaan ang pitong batang mag-aaral sa Osaka.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, katatapos lamang ng klase at pauwi na sana ang mga bata nang maganap ang insidente.

Inamin ng suspek na pagod na siya sa kanyang buhay, dahilan kaya niya sinadyang ang naging sanhi ng pagkasawi ng mga bata.

--Ads--

Umamin din ito ng kanyang motibo, na hinihinalang may kaugnayan sa mental depression, bagamat hindi pa opisyal na idinedeklara ito habang sumasailalim pa siya sa pagsusuri.

Aniya, kilala ang Japan bilang isang payapang bansa kung saan karaniwan nang naglalakad mag-isa ang mga bata papuntang eskwelahan, kaya’t labis ang pagkabigla ng publiko sa pangyayari.

Maselan din aniya ang pamahalaan ng Japan sa pag-aanunsyo ng mga kaso ng depresyon, bagamat hindi bago ang ganitong mga suliranin sa bansa.

Mensahe naman niya na kinakailangang maging mas mapagmatyag at maingat, lalo na sa mga pampublikong lugar.