Umabot sa Level 5 ang flood warning sa ilang bahagi ng Japan dahil sa malalakas na pag-ulan.

Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, ito na ang pinakamalakas na pag-ulan na naitala roon mula noong 1890, matapos umabot sa 104.5 millimeters kada oras ang buhos ng ulan.

Paliwanag ni Galvez, kapag nasa Level 5 ang flood warning, awtomatikong pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na lumikas.

--Ads--

Samantala, iniulat nito na nasa 20 ang naitalang minor injuries habang walang napaulat na nasawi.

Umapaw din ang mga ilog kaya naapektuhan ang mga kabahayan sa central part ng bansa.

Dahil sa lakas ng agos ng tubig, natanggal ang ilang manhole cover dahil sa pressure ng umaapaw na tubig. Nagdulot ito ng pagbaha sa city proper na umabot sa floor level ng ilang bahay at business establishments.

Apektado rin ng pagbaha ang venue ng gaganaping 2026 Asian Games sa September 19 hanggang 23, sa Nagoya City, Aichi Prefecture na nagsanhi upang lumikas ang ilang advance team na nasa lugar dahil sa pagbaha.

Sa ngayon, nasa Level 2 na ang flood warning sa mga apektadong lugar matapos humina ang pag-ulan.