Naghahanda na ang mga residente sa katimugang bahagi ng bansang Japan sa paglikas o pag evacuate dahil sa inaasahang Super Typhoon Haishen o ang bagyong Kristine rito sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Speta, isang Western Pacific Weather Expert, sinabi nito na ang ilan sa mga mamamayan sa isla ng Amami Oshima ay lumilikas na papalayo sa pang-pang o coastal areas at naglalakihang hotel.
Gayundin ang mga mamayan sa hilagang bahagi ng nabanggit na bansa sa parte ng Kyushu ay nagsisimula na umano silang mag-release ng mga tubig sa dam dahil sa inaasahang dami ng rainfall na tatama sa lugar.
Ang Super Typhoon Haishen ay may lakas ng hangin na 170-180 kmph.
Ito ay inaasahang mananalasa sa mga lugar na sinalanta ng Typhoon Maysak.
Posible rin itong mag landfall sa South Korea sa katapusan ng linggo bilang Storm Category 2 o higit pa, ito na ang magiging pang pitung bagyong tatama sa South Korea.