DAGUPAN CITY- Naging mabilis ang pag-respond ng Japan sa bantang tsunami matapos makaranas ng 8.8 magnitude earthquake ang eastern Kamchatka Peninsula ng Russia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sistematiko at labis na handa ang bansa sa ganitong uri ng emerhensiya.

Aniya, naging basehan kase ang naranasang 3 meters na taas ng tsunami wave noong 1952.

--Ads--

Bagaman, kilalang pasyalan ang Hokkaido tuwing summer season ay tiniyak ng mga awtoridad na hindi na mauulit ang naturang karanasan.

Pinalikas na umano ang mga tao at pinaakyat sa pinakatutok ng mga gusali.

Naging ‘Non-stop’ naman ang mga alert warnings upang matiyak na maalerto ang publiko.

Samantala, nakatanggap rin ng tsunami warning ang ilang bahagi ng Amerika dahil din sa lindol na naranasan sa Russia.

Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, naka-high alert na ang mga awtoridad at mga residente upang paghandaan ang posibleng tsunami.

Aniya, inilikas na ang mga tao sa Oregon sa mataas na kalupaaan.

Inaasahan naman ang mga tao na agarang lilikas sa tsunami evacuation center sa oras na makarinig ng siren warning.