BOMBO DAGUPAN – Naispatan na magkasama ang aktres na si Jane de Leon at aktor na si Rob Gomez sa Taipei, Taiwan.

Sa isang post ay makikita na kasama ni Jane si Rob na kumakain ng ichiran ramen sa nasabing bansa.

Nagbukas naman ito ng ilang mga katanungan sa mga netizens kung may espesyal na ugnayan ba ang dalawa.

--Ads--

Dahil bukod sa mga larawan ay kapansin-pansin din kasi sa post ni Jane na video ay makikita ang reaksiyon niya sa pagkain ng ramen.

Base kasi sa video ay nasa kalagitnaan ng pagkain ni Jane ng ramen ng biglang sumilip si Rob sa camera, na katabi lamang ang aktres.

Kaugnay nito ay wala namang sinabing dahilan si Jane kung bakit kasama niya si Rob sa Taiwan, kung may espesyal na ugnayan ba ang dalawa o nagkataon na magkasama lamang.