Usap-usapan ngayon ang magkasintahan in real-life na sina Jake Cuenca at Chie Filomeno.
Napansin kasi ng mapanuring mata ng mga netizens ang pag-unfollow nila sa isa’t isa.
Si Jake ay 37-year-old habang si Chie naman ay 29-year-old.
Kung titingnan din kasiang kanilang social media platform accounts, makikitang wala na nga sila sa listahan ng followers ng isa’t isa.
Wala ring makikitang bakas ng anumang alitan sa pagitan nila dahil hindi rin naman sila gaanong nagpo-post ng kanilang couple photos.
Matatandaan na dalawang taon na rin ang nakararaan nang unang maisapubliko ang kanilang pagkakamabutihan
Noong una ay ayaw pa nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon, at sinasabi lang nilang napapasaya nila ang isa’t isa.
Pero sa naging panayam kay Jake nito lamang September 2023, umamin si Jake na November 2022 nang maglakas-loob daw siyang lapitan si Chie sa Christmas Ball.
Inilarawan pa ni Jake na si Chie ang kanyang “The One That Got Away” dahil dati na raw silang nag-date noong nagsisimula pa lang si Chie sa showbiz.
Pero hindi raw sila nag-work out noon, kaya desidido raw si Jake na hindi na pakawalang muli si Chie.
At nito lamang hulyo ngayong taon, natanong pa si Jake tungkol kay Chie, at sa mga sagot niya noon ay malinaw na sila pa.
Hanggang sa naging usap-usapan nang break na sila nitong mga nagdaang linggo.
May mga espekulasyon ding kumakalat online tungkol sa hiwalayan nila, pero tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa ngayon.