Pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) at Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan ang isinagawang “Iwas paputok huwag magpaputok ng baril” motorcade dito sa siyudad.
Pinangunahan ni Police Regional Office 1 director, Brig/Gen Joel Orduña ang hanay ng PNP kasama sina Provincial Director Police Col. Redrico Maranan at City Chief of Police, Police Lt/Col Abubakar Mangelen Jr. Habang sa hanay ng LGU Dagupan ay pinangunahan ni Acting City Administrator Allan Dale Zarate.
Layon ng naturang aktibidad na isulong ang mga alternatibong paraan ng pagiingay sa pagsalubong ng taong 2020 sa halip na gumamit ng mga paputok at baril.
Bukod sa motorcade, nag-inspeksyon din ang mga otoridad sa firecracker zone ng lungsod kung saan may ilang mga nagtitinda na sinita dahil sa ilang mga minor violations katulad ng pagiging malapit sa Fire hydrant, naiinitan ang mga paputok, kakulanan ng Fire extinguisher bawat tindahan gayundin ng buhangin at tubig.
Bukod dito, namahagi din ng mga torotot sina RD at PD sa mga bata lalo at sila sa datos dito sa boung lalawigan ng Pangasinan, karamihan ay nasa edad 6 hanggang 12 taong gulang ang biktima ng paputok.
Nabatid naman mula kay City administrator hanggang Enero 1 lang ang pagtitinda sa firecracker zone.