DAGUPAN CITY- Inaasahan na tututukan ni Prime Minister Carney ang mga isyung may kinalaman sa ekonomiya at pulitika, lalo na ang mainit na relasyon sa pagitan ng Canada at United States.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ruth Marie Magalong, Bombo International News Correspondent, nahalal bilang bagong Prime Minister si Mark Carney matapos ang mahigpit na laban sa pagitan ng dalawang pangunahing partido.
Aniya, idinaos nang mapayapa at maayos ang katatapos lamang na general election sa bansang Canada at walang naiulat na anumang insidente ng karahasan, dayaan, o paglabag sa election code sa buong bansa.
Bagamat wagi sa pambansang halalan, ikinagulat ng marami na natalo si Carney sa kanyang sariling distrito.
Sa kabila nito, nanatiling malakas ang suporta sa kanya sa ibang bahagi ng bansa na nagdala sa kanyang pagkapanalo.
Dagdag pa niya, naging mabilis ang bilangan ng boto sa tulong ng maayos na sistema ng halalan ng Canada.