DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin ang pagbuhos ng problema sa usapin ukol sa bigas sa kabila ng mga proyekto at mandatong isinasagawa ng pamahalaan.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, ilang beses nang nakakapang-huli ang Bureau of Customs ng mga hoarders at sugglers at mga profettirings ng mga agricultural products lalong lalo na sa bigas, ngunit wala pa ring napanagot sa mga bagay na ito.
Aniya, matindi ang problema sa horiding kaya’t walang usad ang bansa pagdating sa ganitong usapin.
Dagdag niya, nanantili pa ring malaya ang mga taong dapat managot kung bakit hindi pa rin magandang ang sitasyon ng bansa sa presyuhan ng bigas.
Aniya, malaking economic sabotage ang smuggling dahil sa higit na pagbaba ng pamimili ng presyo ng palay sa mga magsasaka.
Napakahina rin umano ng mga naunang batas na tumututok sa problema ng bigas sa bansa.
Pahayag niya na dapat na ring gamitin ng gobyerno ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng kanilang mga ahensya upang makasuhan ang mga smugglers at mga hoarders.