BOMBO DAGUPAN – Nakasalalay umano sa Department of Interior and local Government o DILG ang isyu ng citizenship ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nauugnay sa operasyon ng Philippine Overseas Gaming Offices (POGO) sa kanilang bayan.
Ayon kay Atty. Marino Salas, Provincial election sa lalawigan ng Pangasinan sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, dahil elected official si Guo ay sakop siya ng DILG at anumang findings ay mangagagaling sa nasabing ahensya.
Paliwanag nito na hindi na sakop ng kanilang tanmggapan kung ididiskuwalipika si Guo dahil may mga batas at alituntunin na kanilang sinusunod.
Samantala, sa usaping pagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ng substitution ng kandidato matapos ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC),
iginiit ni Salas na ito ay magiging daan para malaman na kung sino talaga ang mga kakandidato