Dagupan City – Dapat nang ipasa ang issue sa paggasta sa pondo ng Office of the Vice President Commission on Audit (COA) at Department of Justice (DOJ).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominic Abril, Legal/Political Consultant, wala kasing kaso kung sino man ang nakaupo sa pwesto, ngunit ang mahalaga ay ang pagpapaliwanag sa nasabing pondo.

Isa naman sa mga katanungan aniya ay kung tunay nga ba na ito ay in-aid of legislation, at kung bakit hindi nagpapakita ang mga ipinatawag kung kaya’t humahaba pa ang diskusyon.

--Ads--

Bagama’t kinakailangang magpakita ng mga ipinatawag sa House of representative sat sa Quad Committee, binigyang diin din ni Abril na dapat ay itinataas na ito sa Commission on Audit (COA) at Department of Justice (DOJ).

Paliwanag kasi niya, ang dalawang departamento kasi ang may hawak ng mga kaso at ang trabaho lamang ng House of represetatives ay magpasa ng batas.

Sa DOJ at COA kasi aniya ay mas matututukan ang nasabing issue at kinakaharap na mga usapin kung ikukumpara sa nangyayari sa Quad Comm na humahaba lamang ang diskusyon.

Una na rito, tinawag na “Politically motivated” ni Vice President Sara Duterte ang mga paratang sa kaniya.Kung saan ay binatikos nito ang House committee on good government and public accountability na nagpataw ng contempt sa apat nitong staff dahil sa paulit-ulit na pagtangging dumalo sa pagdinig.