Nagbabala ang AutoPro Pangasinan sa mga driver na patuloy parin sa over charging ng pamasahe.

Tahasang inihayag ng Presidente ng nabanggit na tanggapan na si Bernard Tuliao, na maaaring makansela ang prangkisa o di naman kaya’y isang buwan na suspensyon ang maaaring kaharapin ng isang driver na patuloy na mag-mamalabis sa paninigil ng pamasahe sa mga byahero.

Kasunod ito ng pag-amin na hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa ring problema ang usapin ng over charging.

--Ads--

Kamakailan lamang ay mayroong mga concerned citizen ang dumulog sa kanilang himpilan na agad namang ipinarating sa kinauukulan na mayroong nagaganap na over charging sa bahagi ng byaheng San Fabian to Dagupan, Manaoag-Dagupan maging sa bayan ng Sta. Barbara.

Bernard Tuliao -AUTOPRO Pangasinan president

Kung maaalala 9 pesos lamang ang ipinatupad na minimum fare sa jeep at maaaring mabago lamang kung lalampas sa itinakdang kilometro ngunit tila hindi ito nasusunod ng mga drivers dahil marami pa din sa ngayon ang nagpapa abot ng kanilang hinaing ukol sa usaping ito.

Panawagan naman ni Tuliao sa mga mananakay na nakaka-subok ng ganitong pagmamalabis, maaari nilang kunan ng pictures o video ang mismong plaka ng sasakyan na magsisilbing patunay ng sa gayon ay mabigyan din ng kaukulang kaparusahan ang mga sangkot na drivers.

Bernard Tuliao -AUTOPRO Pangasinan president