Nag-utos ng forced evacuation ang Israeli Forces sa dose-dosenang pamilyang Palestino sa timog Gaza Strip na lisanin ang kanilang mga tahanan, sa kauna-unahang sapilitang paglikas mula nang ipatupad ang tigil-putukan noong Oktubre.
Ayon sa mga residente ng Bani Suhaila, silangan ng Khan Younis, nagbagsak ang militar ng Israel ng mga leaflets noong Lunes na nag-uutos sa mga pamilyang naninirahan sa mga tent encampment sa lugar ng Al-Reqeb na agad umalis.
Nakasaad dit “Agarang abiso: Ang lugar ay nasa kontrol ng IDF. Kinakailangan ninyong lumikas kaagad,”
Sa loob ng dalawang taong digmaan bago mapirmahan ang tigil-putukan na pinamagitan ng Estados Unidos noong Oktubre, karaniwang nagbabagsak ang Israel ng mga leaflets sa mga lugar na kalaunan ay nilulusob o binobomba, dahilan upang mapilitang lumikas ang ilang pamilya nang paulit-ulit.
Ayon sa mga residente ito ang unang pagkakataon na muling nagbagsak ng ganitong mga abiso ang Israeli military mula nang ipatupad ang ceasefire.










