Nagulat ang gobyerno ng UK matapos malaman sa mga ulat na pinaputok ng Israel ang mga base ng UN sa katimugang Lebanon.

Kung saan noong Huwebes lamang ay dalawang peacekeeper ang nasugatan nang paputukan ng tangke ng Israeli ang mga pasilidad ng UN sa timog na bahagi nito.

Habang dalawa pang peacekeeper ang nasugatan sa magkahiwalay na pagsabog kahapon ayon naman sa IDF na patuloy na sinisiyasat kung paano ito nangyari.

--Ads--

Samantala, ayon sa punong ministro ng Lebanon nasa 22 katao na ang napatay sa mga pag-atake, na pawang mga sibilyan habang 117 katao naman ang nasugatan.

Sa ibang lugar naman, sinabi ng IDF na nakakita ito ng humigit-kumulang 100 rockets na tumatawid mula sa Lebanon patungo sa hilagang Israel sa loob ng kalahating oras.