Patuloy ang labanan sa pagitan ng Israel at Hezbollah, matapos ipag-utos ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa militar na magpatuloy ng buong lakas na pag-atake sa kabila ng mga panawagan mula sa US at iba pang kaalyado para sa isang ceasefire.

Ayon sa Health Minister ng Lebanon, umabot na sa hindi bababa sa 92 na katao ang nasawi sa mga air strike ng Israel noong Huwebes, habang daan-daang iba pa ang nasawi mula nang lumala ang tensiyon noong Lunes.

Kabilang sa mga biktima ang lider ng drone unit ng Hezbollah na si Mohammad Surur, na nasawi sa isang pag-atake sa isang gusali sa timog na bahagi ng Beirut.

--Ads--