BOMBO DAGUPAN – Narekober na ng mga pwersa ng Israel ang mga bangkay ng anim na bihag na hawak ng Hamas sa Gaza Strip.

Sa isang pahayag, sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na ang mga bangkay ay natagpuan noong Sabado sa isang underground tunnel sa Rafah area.

Pinangalanan ng IDF ang mga bihag na sina Carmel Gat, Eden Yerushalmi, Hersh Goldberg-Polin, Alexander Lobanov, Almog Sarusi at Master Sgt Ori Danino.

--Ads--

Nakiusap ang mga rescued na Israeli para sa hostage deal sa Hamas

Sa pahayag nitong Linggo ng umaga, sinabi ng IDF na ang mga bangkay ay “ibinalik sa teritoryo ng Israel”.

“Lahat sila ay na-hostage noong 7 Oktubre [2023] at pinatay ng teroristang organisasyon ng Hamas sa Gaza Strip.”

Dagdag pa na naabisuhan na ang kanilang mga pamilya.