Naglunsad ang Israel ng air strike sa southern Lebanon habang kinokondena ni Hezbollah leader Hassan Nasrallah sa kaniyang televised speech ang nangyaring pagsabog ng mga pagers at walkie-talkie sa kanilang bansa.

Bago ang nasabing pagsasalita ni Nasrallah, kinumpirma naman ng Israel ang kanilang bagong pag-atake.

Sinabi ni Israeli Defence Minister Yoav Gallant, bagaman may oportunidad para sakanila ang kanilang sinasabing “new phase of war” ay may kalakip din umano itong banto s kanila. Gayunpaman, magpapatuloy aniya ang militar ng Israel.

--Ads--

Ito ay upang makamit umano nila ang kanilang layunin na ligtas mapabalik ang northern communities ng Israel sa kanilang tahanan.

Sinabi din niya na mas tataas pa umano ang kabayaran na kailangan gawin ng Hezbollah.