Inamin ng Israel na nagkamali ang kanilang mga sundalo sa pagpaslang ng 15 emergency workers sa katimugang Gaza noong Marso 23.
Ang convoy ng mga ambulansya mula sa Palestinian Red Crescent Society (PRCS), isang sasakyan ng UN, at isang fire truck mula sa Civil Defence ng Gaza ay tinamaan ng putok malapit sa Rafah.
Noong una, sinabi ng Israel na nagbukas sila ng putok dahil sa “kahina-hinalang” galaw ng mga sasakyan sa dilim na walang ilaw. Inangkin nilang hindi koordinado ang galaw ng mga sasakyan.
Ipinahayag ng Israel Defense Forces (IDF) na anim sa mga mediko ay may koneksyon sa Hamas, ngunit wala pa silang inilabas na ebidensya.
Aaminin nilang wala silang armas nang pinaulanan ng bala ang mga sasakyan. Sa isang bahagi ng video, maririnig ang huling dasal ng mediko na si Refat Radwan bago pumutok ang putok mula sa mga sundalo.