Napaslang ang lider ng Islamic State sa Iraq at Syria, na tinaguriang isa sa mga pinaka-mapanganib na terorista sa Iraq at sa buong mundo, ayon kay Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani nitong Marso 14.
Pinatay si Abdullah Maki Musleh al-Rifai o kilala bilang Abu Khadija, ng security forces ng Iraq kasama ang koalisyon ng mga pwersang pinamumunuan ng US laban sa militanteng grupo.
Ayon sa isang ulat, ipinataw ng Islamic State ang mahigpit na patakarang Islamist sa milyong-milyong tao sa Syria at Iraq sa loob ng mga taon, at patuloy na nagsusumikap na makabawi sa Middle East, the West at Asia.
--Ads--