DAGUPAN CITY — Binigyang-diin ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Lawyer, na sa archaic o lipas na ang mga isinusulong na mga economic provisions bilang parte ng pag-amyenda sa 1987 Constitution, sapagkat sa kabila nito ay maraming foreign entities ang nananatiling mayroong investments sa ilang malalaking korporasyon sa Pilipinas.
Sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na kung susuriing mabuti ay nakahanap na ng paraan ang mga foreigners upang magkaroon ng kamay, halimbawa na lamang sa media, kung saan ay lumalabas ang mga alegasyon hinggil sa pag-aari ng isang dayuhang korporasyon sa malaking bahagi ng ilang print media na nago-operate sa bansa.
Dagdag nito na pagdating naman sa mining rights ay mayroong mga humahaliling Supreme Court decisions pinapayagan ang pagkakaroon ng limitasyon ng mga dayuhan na sa pagmamay-ari ng mining rights sa bansa hangga’t tumatayo lamang ang mga ito bilang advisers at iniiwasan ang pagaari ng kahit na 1% lamang ng mining companies sa Pilipinas.
Saad nito na lumipas na ang pagkakataon sa pagtugon sa economic provisions sapagkat kahit kung minsan ay mayroong mga limitasyon na ipinapataw ng Konstitusyon sa mga dayuhang kapangyarihan ay nakahanap na ng paraan ang ilang mga abugado upang makaiwas sa mga ito.
Kaya naman binigyang-diin ni Atty. Cera na hindi kinakailangan pa ng Pilipinas ang pagkakaroon ng economic revisions sa Konstitusyon, sapagkat kinakailangan lamang humanap o magpatayo ng isang dayuhan ng korporasyon na pangungunahan ng isang Pilipino at mga manggagawang Pilipino ay lalago at makakapagpatayo na ng iba’t ibang branches ang naturang korporasyon sa bansa.
Sa halip ay iginiit nito na mas nanaisin ng nakararami na maging politically stable ang bansang Pilipinas kung saan ang mga kinauukulang opisyal na mamumuno sa bansa ay hindi kurakot, at hindi pinagsasamantalahan at ginugulangan ang taumbayan.
Kaugnay nito ay nakikita lamang ni Atty. Cera ang pagsulong sa mga economic provisions bilang isang paraan upanng bigyang-daan ang paghahain ng usapin sa pag-amyenda sa iba pang probisyon ng Philippine Constitution.