DAGUPAN, Cty- Naka-full alert na ang Philippine National Police sa bayan ng Mangaldan ukol sa seguridad ng mga residente sa nagpapatuloy na paggunita ng simbang gabi.

Ayon sa panayam kay Police Lieutenant Charisse Pacheco ng Mangaldan PNP, unang linggo pa lamang ng Disyembre ay puspusan na ang kanilang pagpaplano upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan ng bayan.

Nangangako silang mananatiling ligtas ang mga mamamayan sa naturang bayan sa bawat aktibidad na kanilang gagawin.

--Ads--

Kamakailangan lamang ay nagdaos ng Christmas ligting at Ugnayan sa Pasko ang naturang bayan at ani Pacheco, naging ligtas naman ang naging aktibidad nilang ito.

Dagdag pa ng naturang opisyal na isa sa maiging pinagplanuhan ng mga kapulisan ay ang kahandaan sa paggunita ng simbang gabi o misa de gallo 2022 na kung saan inasahan ang dagsa ng mga mananampalataya.

Mungkahi rin ni Pacheco na ang pagpasok ng taong 2023 ay nakasalalay hindi lamang sa mga kapulisan kundi maging sa kamay na rin ng bawat mamamayan kaya’t panawagan nila sa mga residente ng naturang bayan na sumunod lamang sa mga panuntunan ng mga awtoridad.