DAGUPAN CITY–Posibleng matapos sa loob lamang ng ilang Linggo ang isinasagawang impeachment case laban kay US President Donald Trump.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Professor Gabriel Ortigoza ng University of California Davis sa Amerika na ito’y kung hindi na mapagbobotohan na iprisinta sa pagdinig ang mga witness sa kaso.

Ngunit base sa latest poll karamihan sa mga Americans ay nais na maipatawag sa pagdinig ang mga witness upang magkaroon ng “fair trial”.

--Ads--

Dahil din aniya sa tinatawag na simple majority ay posibleng makuha ng panig ni Trump o ng Republicans ang mataas na boto lalo’t mas marami silang bilang kumpara sa Democrats.

Professor Gabriel Ortigoza , University of California Davis USA

50 percent plus 1 ng bilang ng Senado ang dapat na bomoto pabor dito dahil kung hindi kailangan pang ipatawag ang mga witness na maaring magpatagal sa impeacehment case.

Ngunit iginiit naman ni Ortigoza na may ilang miyembro rin ng Republicans ang nais na ipatawag ang mga testigo.

Professor Gabriel Ortigoza , University of California Davis USA

Matatandaan na hiniling na ipatawag sa nagpapatuloy na impeachment trial kay US President Donald Trump ang dati nitong national security adviser na si John Bolton.

Bago ito, inilabas ng New York Times ang isang bombshell report kung saan nakasaad na sinabi raw ni Trump kay Bolton na ititigil daw nito ang military aid sa Ukraine hangga’t hindi pumapayag ang Ukrainian government sa kanyang hiling na pag-imbestiga kay dating Vice President Joe Biden at sa Democratic Party.