DAGUPAN CITY–Dumipensa ang Dagupan PNP sa mga reklamo ng ilang mamamayan na nasita sa isinasagawang chekpoint sa siyudad dahil sa enhanced community quarantine laban sa covid 19.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr. hepe ng Dagupan PNP, ang deklarasyon ng pangulo sa enhanced community quarantine na ipinatutupad ay hindi lamang sa siyudad Dagupan kundi sa buong luzon.

Ito ay sa gitna ng reklamo ng mga motorista na hinuli sa mga checkpoints. .

--Ads--

Ipinaliwanag nito na sa ilalim ng enhance community quarantine lahat ng public utility vehicles maging ang mga bus, jeep, tricycle at ibat ibang gamit na transportasyon ay suspendido.

Sinabi niya na dapat lang tumalima rito dahil nakasalalay ang general welfare o kapakanan ng bawat pilipino na sa kasalukuyan ay under threat dahil sa covid19.

Pol. Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr. , Chief of Police- Dagupan City PNP

Una rito, ang daing ng mga nahuling namamasada ay ang kawalan ng pagkakakitaan para sa pangangailangan nila at nang kanilang pamilya.

Ayon sa isang tricycle driver wala din umano silang nakukuhang tulong sa gobyerno at hindi nila maaaring hayaan ang kanilang pamilya na mamatay sa gutom.

Mayroon ding nagrereklamo na bumili ng gamot ngunit kinuhanan ng lisensya ang kaniyang asawa at pinapunta sa police station.