Nahaluan umano ng ibat ibang motibo at behavior ang isinagawang protesta kontra korapsyon kahapon.
Ayon kay Dr. Nhorly Domenden, Director ng Wundt Psychological Institute, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, bagamat mas marami ang lihetimong ipinanawagan ang laban kontra korupsyon ay kapansin pansin na marami pa rin ang nakisawsaw na mayroong pansarili o pang grupong adhikain gaya nalamang aniya crony’s ng ibang politician.
May mga sumama sa rally pero hindi kaisa sa kanilang ipinaglalaban at hindi alam kung ano ang ipinaglalaban.
Maihihiwalay aniya ang mga legit na demonstrador na malinaw sa kanila kung ano ang kanilang ipinaglalaban at nasa tamang pamamaraan ang kanilang pagsigaw.
Kung tutuusin aniya ang tunay na layunin ng rally ay ang paghingi ng pananagutan, transparency at accountability sa mga isyu na nakulimbat napondo ng gobyerno at buwis ng taumbayan.
Sa kanyang pananaw ay punung puno na ang mga kabataan sa paglantad ng malaking korupsyon.
Ani Domenden,normal ang galit na nararamdaman nila at pagkatapos mailabas ang galit ay nakakaramdam naman sila ng ginhawa.
Sa kabilang banda, ang mas malala ay inilabas naman ng ibang rallyista ang galit sa ibang tao o mga mga ari arian.