Dagupan City – Matagumpay na idinaos ang isinagawang misa bilang Pasasalamat at Pagpapala para sa bagong Emergency Room Complex ng Alaminos Doctors Villaflor Hospital.

Kung saan, nakikitaan itong isang makabuluhang hakbang para sa mas mahusay, mas mabilis, at mas maaasahang serbisyong medikal para sa mga residente.

Personal naman itong dinaluhan ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste kasama si Vice Mayor Elect Anton Perez, mga doktor ng Alaminos Doctors Villaflor Hospital, mga miyembro ng Board of Directors, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang pribadong organisasyon sa lungsod.

--Ads--

Anila, naging mensahe umano ito ng isang patunay na pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan para sa ikabubuti ng kalusugan ng bawat residente sa lungsod.