Mga Ka-bombo, sabi nila, walang mali sa art.
Sabi naman ng ilan, lahat ng likha ay maaaring maging sining.
Pinanindigan iyan ng isang Zoo sa Estados Unidos dahil magkakaroon ng kakaibang art auction gamit ang mga art na ginawa ng maha hayop.
Ang Animal Adventure Park at Preserve sa Harpursville, New York, ay magbebenta ng mga likha ng mga hayop tulad ng penguins, giraffes, sloths, at capybaras.
Ang “Dream Big Gala: Night Out on the Town” ay nakatakdang ganapin sa Marso 15, kung saan may silent auction para sa mga painting ng mga hayop sa zoo.
Ayon sa mga zookeepers, ginagamit nila ang iba’t ibang pamamaraan upang hikayatin ang mga hayop na mag-paint bilang bahagi ng kanilang enrichment activities.
Nagbigay naman ang zoo ng sneak preview ng mga likha sa kanilang social media, kung saan makikita ang mga larawan ng penguins, capybaras, sloths, at giraffes habang nag-pipinta.
Para sa mga hindi makakadalo sa gala, maaari pa rin silang mag-bid online.