Niraid ng pinagsanib na puwersa ng Villasis PNP, Pangasinan PNP at BIR ang isang warehouse sa barangay Bacag, Villasis, Pangasinan matapos mapag-alamang gumagawa ng mga pekeng BIR o internal revenue stamps na inilalagay sa mga pekeng sigarilyo.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay PNP Provincial director police col. Redrico Maranan, sinabi nito na dalawang Chinese national at limang Pilipino ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang raid.
Nakumpiska nila sa loob ng warehouse ang napakaraming makina at materyales.
Sa kanilang assessment, umaabot sa 1 billion ang halaga ng mga makina, at nasa milyon milyong piso ang mga iniimprintang stamps.
Patuloy na iniimbentaryo ang mga gamit at ito ay kanilang gagamitin sa pagsasampa ng kaso sa lahat ng mga taong naabutan nila.
Sa pagtaya nila ay matagal nang nag ooperate ang nasabing bodega.
Nakatakdang sampahan ng kaso ang may-ari ng bodega.