Mga Ka-bombo! Mahilig ka ba sa mga pranks?

Kaya mo bang i-prank ang isang scammer at baliktarin ang sitwasyon?

Ganito kasi ang ginawa ng isang voice over artist mula sa India matapos siyang tawagan at i-scam.

--Ads--

Agad namang natunugan ng voice-over artist na si Tanya Nambiar ang modus ng scam caller at agad na binaligtad ang sitwasyon.

Umarte si Tanya bilang isang “lonely person” at nagtatanong kung gusto ba ng caller ng makakausap.

Nagpanggap si Tanya bilang automated voice mula sa mga telepono at nagbigay ng instructions.

Nagbigay din ng ilang mga descriptions at notifications si Tanya gamit ang kaniyang boses na nagbigay naman ng kalituhan sa caller.

Dahil sa kaniyang galing sa voice-acting, napaniwala niya ang nasabing scammer sa kaniyang paandar hanggang sa maputol na ang tawag.