Blangko pa rin ang mga kapulisan sa motibo ng pagbaril-patay sa isang US citizen sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Lingayen.
Ayon kay Plt.Col Theodore Perez, OIC Chief of Police ng Lingayen, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, maaring pauwi sa kaniyang tinutuluyang apartment ang biktima na nakilalang si Justin Becker, nang ito ay pagbabarilin ilang metro lamang ang layo mula sa kaniyang tinitirhan.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa likurang bahagi ng kaniyang katawan na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Ayon naman sa salaysay ng ilang mga residente sa lugar, ay may narinig silang ingay ngunit inakala lamang nila na may pumutok lamang na gulong.
Wala din umanong masyadong impormasyon na nakuha sa biktima dahil hindi ito madalas na nagkwekwento sa kaniyang mga kapitbahay ngunit napag alaman na isa itong negosyante at kasalukuyang wala itong kasama sa kaniyang tinutuluyan dahil nangibang bansa ang asawa nito.




