DAGUPAN CITY – Kabilang ang isang turistang Pilipino sa mga nasawi kaugnay sa nararanasang record-breaking rainfall sa Hongkong.
Ayon kay Marlon “Pantat” De Guzman, Bombo International News Correspondent sa Hongkong, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang hindi pa pinapangalanang biktima ay sakay ng taxi matapos mabangga ng transport bus.
Di umanoy hindi namalayan ng taxi driver na naka red light ang stop light kung kayat nabangga ng rumaragasang bus.
Saad nito na nasa pang apat na araw na ngayong buwan ng Agosto nakakaranas ang Hongkong ng Black storm.
Ang Hongkong ay nahahati sa tatlong island kung saan may bulubunduking lugar at nagkakaroon ng landslide.
Hindi naman suspendido ang transportasyon pero may mangilan ngilang tanggapan ng pamahalaan at maliliit na supermarket ang nagsara.
Samantala, hindi naman nagpapabaya ang Philippine consulate general sa Hongkong, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at ng Department of Migrants workers sa pagbibigay paalala sa mga Overseas Filipino Workers na magdoble ingat at huwag ipilit ang situwasyon na magreresulta sa kapahamakan ng kanilang buhay.