Mga kabombo! Magdududa ka ba sa isang hayop kung sino ang totoong ama nito gayong mukha itong hybrid. Sabagay kung sa tao nga naman ay may mixed race syempre mayroon din sa mga hayop.
Ito ay matapos isinilang sa Germany ng isang batang tupa na pinangalang “Flumo” at hindi batid kung anong hayop nga ba ang totoong ama nito.’
Batay sa mga ulat sinabing isinilang si Flumo ng kaniyang nanay na tupa na si “Selma,” sa isang farm.
Pero hinala ng may-ari ng mga hayop, posibleng hindi tupa ang ama ni Flumo, kung hindi isang kambing.
Marahil ang balahibo kasi ni Flumo, puti na may brown spots, na kaiba sa balahibo ng tupa na dark ang kulay na gaya ng kaniyang ina.
Mas tunog kambing din daw si Flumo kaya lalong lumakas ang hinala ng may-ari na nakalikha ng hybrid na tupa at kambing ang kaniyang farm sa pamamagitan ni Flumo.
Ilang beses na rin daw niyang nahuli si Rune na sinubukang makipag-mate ang mga tupa.
Base naman sa mga eksperto, ang mga tupa ay mula sa genus na Ovia at may 54 chromosomes, habang nagmula naman sa genus Capra ang mga kambing na may 60 chromosomes.
Posible ang pag-mate ng dalawang uri ng hayop at posible ring makabuo ng embryo.
Ngunit dahil sa pagkakaiba ng chromosomes, namamatay daw ang embryo sa sinapupunan pa lamang kaya hindi nakakabuo ng baby.
Bagaman may mga naitala nang mga nabuhay na hybrid ngunit napakapambhira umano nito.
Isinailalim sa pagsusuri si Flumo upang matukoy kung isa nga ba siyang hybrid. Kinunan ng DNA sample ang kaniyang ina at ang hinihinalang ama na kambing.
At nang lumabas ang resulta, lumitaw na purong tupa si Flumo pero hindi alam kung sino sa mga tupa ang kaniyang tunay na ama.