Pansamantalang isinara ang isang lane ng tulay na matatagpuan sa barangay Bocboc west, sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Ayon kay PMAJ Mark Ryan Taminaya, OIC Chief of Police ng Aguilar PNP, natuklasan ang butas ng mga barangay officials sa isang lane ng tulay na tinatayang nasa 1 meter diameter ang luwang ng butas.

Ang tulay ay nagkokonekta sa bayan ng Aguilar at lungsod ng San Carlos.

--Ads--

Sinabi ni Taminaya na magsusumiti ang municipal engineering office ng Aguilar ng report sa probinsya para sa gagawing inspection at dito malalaman kung tuluyang ipapasara ang tulay habang ito ay aayusin.

Dahil dito ay pinayuhan ang lahat ng malalaking truck na huwang munang dumaan sa nasabing tulay at maghanap ng alternate road kung pupunta sa lungsod ng San Carlos at Mangatarem.

Nabatid na maraming dumadaan na motorista sa tulay mula ng masira ang Wawa bridge sa bayan ng Bayambang.