Tinangkang tagain ng isang tricycle driver ang misis nito sa bayan ng Natividad.
Ang naturang insidente umano ay nag-ugat sa hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa kaya nagawa nito ang naturang krimen.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCpt Ramil Mendioro, Chief of Police ng Natividad PNP, nangyari umano ang pananaga sa barangay Luna sa nasabing bayan kung saan base sa kanilang imbestigasyon kararating lang ng misis ng suspek na si Maribel Imyana galing sa ibang bansa kung saan nakainom ang ito nang mangyari ang insidente.
Base umano sa salaysay ng mga kapitbahay ng mag-asawa ay tila hindi naging maganda ang relasyon ng ng mga ito.
Hindi rin aniya nakakauwi sa bahay nila ang maybahay ng suspek at ito ang nagudyok marahil sa suspek kung bakit nagawa ang pananaga sa kaniyang asawa.
Dagdag pa ng hepe na marahil dahil sa selos ang ugat ng naturang krimen dahil hindi nakasama ng mahigit 10 taon ang asawa nito.
Ayon pa kay Mendioro bagamat noong una umano ay desidido nang magsampa ng kaso ang misis nito ngunit kinalaunan ay napagkasunduan ng kaniyang pamilya na huwag na itong ituloy at lumagda na lamang ng affidavit na hindi na ito guguluhin ang kaniyang misis ngunit sa kasamaang palad umano ay naganap ang naturang pangyayari.
Isang itak ang ginamit sa pananaga ng suspek habang nadaplisan lamang ang biktima sa bandang likod nito malapit sa balikat, kamay at daliri.
Sinabi din ni Mendioro, na hindi umano napuruhan ang biktima dahil nakasuot ito ng jacket at mapurol ang ginamit na itak kaya maswerte ito na hindi tinamaan ng matinding taga.
Sa kabila umano nito, humingi na rin ng dispensa ang suspek sa kaniyang misis.