Patay ang isang transgender matapos gilitan ng leeg sa barangay Patar sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay police major Dennis Cabigat, chief of police sa bayan ng Bolinao, kinilala ang biktima na si Jestoni Reliendo, nasa wastong gulang, waiter ng Prescious Bolinao Resort at residente ng barangay Pangapisan sa lungsod ng Alaminos.
Ayon kay Cabigat, hawak ngayon ng kapulisan ang narekober na cellphone ng biktima na inaasasahan na magbibigay daan para malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.
Inaalam ng mga awtoridad kung may nakaaway ang biktima.
Bago ang insidente ay sinasabing nakipag-inuman pa umano ang biktima noong gabi bago ang kremin.
Walang narekober na anumang armas na ginamit sa biktima, subalit, hinihinalang itak ang ginamit sa biktima.