BOMBO DAGUPAN- Mga Ka-Bombo! Naniniwala ka ba sa forever?
Kaya mo ang set-up na long distance relationship o LDR at malayo sa iyong minamahal?
Hindi kasi ito kinaya ng isang Siberian Tiger sa Russia, kaya’t naglakbay ito ng 200km para magka-balik ng kaniyang minamahal.
Isang nakakagiliw na kwento ng pagmamahal at determinasyon ang sumiklab mula sa kagubatan ng Russia, kung saan ang dalawang Amur tigers, sina Boris at Svetlaya, ay muling nagtagpo matapos ang tatlong taon at 200 kilometrong hiwalayan.
Noong 2012, ang mga tigreng si Boris at Svetlaya ay nai-rescue mula sa Sikhote-Alin Mountains sa Russia bilang mga ulila.
Dinala sila sa isang conservation program kung saan pinalaki silang magkasama, malayo sa kamay ng tao. Pagkaraan ng 18 buwan, pinalaya sila sa kalikasan noong 2014 sa Pri-Amur, isang lugar na historikal na tahanan ng mga Amur tigers.
Habang ang mga conservationists ay nagtakda ng layunin na paghiwalayin ang mga tigreng ito upang mapalaganap ang kanilang populasyon, si Boris ay nagpakita ng kakaibang ugali.
Imbis na maglakbay sa isang tiyak na teritoryo tulad ng ibang mga tigreng ligaw, naglakbay siya ng 200 kilometro nang walang tigil, upang magkatagpo muli si Svetlaya.
Ayon kay Dale Miquelle ng Wildlife Conservation Society, ipinapakita ng kwento ni Boris at Svetlaya na ang mga ulilang kutit, kapag pinalaki sa tamang paraan at muling pinalaya sa kalikasan.
Ngunit patuloy pa rin ang mga banta sa buhay ng Amur tiger—dahil sa pagkasira ng kanilang tirahan, pagnanakaw, at mga sagupaan sa tao.
Sa kasalukuyan, ang Amur tiger ay itinuturing na isang endangered species sa ilalim ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).