Ikinasawi ng dalawang katao, kabilang dito ang isang tatlong-taon gulang na bata, at sugatan ang nasa 28 matapos magsagawa ng missile attack ang Russia sa Kharkiv, Ukraine.

Halos buong wasakin ng nasabing pag-atake ang isang multi-story residential apartment block.

Tinawag naman ito ni Ukraine President Volodymyr Zelensky bilang kasuklam-suklam.

--Ads--

Itinanggi naman ng Defence Ministry ng Russia ang nasabing pag-atake at iminumungkahing ang pagsabog ay dulot ng isang detonation ng Ukranian ammunition.

Nagaganap ang pag-atake habang nakatakdang magdaos ang Ukraine ng mahahalagang pag-uusap sa Kyiv.