Winner ang wiener dogs ng isang syudad sa Germany matapos makapagtala ng World Record kung saan kanilang ipinarada ang halos 900 dachshunds.

Pinangisawaan ng Regensburg, kung saan ang tinaguriang “home of the dachshund-themed Dackelmuseum”, ang world’s largest dachshund dog walk kung kailan featured sa Dackelparade ang hindi bababa sa 897 winer dogs kasama ang kanilang mga furparents.

Ayon kay Seppi Küblbeck, ang founder ng nasabing museo, na layunin ng parada ang pagpapakalap ng positive energy sa komunidad.

--Ads--

Saad pa niya, para sa paningin ng mga dachshund ay pantay-pantay ang mga tao, maging sino man ang mga ito.