Mga kabombo! Sabi nga nila, kung ang Diyos ay mapagpatawad, tao pa kaya.

Pero pano nalang kung ikaw ay nilooban ng masamang kawatan at ninakawan. Papatawarin mo ba ito kung siya ay humingi ng patawad?

Hindi nakaligtas sa CCTV camera ang panloloob ng isang lalaki sa loob ng tindahan sa Barangay Mayombo, syudad ng Dagupan, kamakailan lamang, at kaniyang tinangay ang isang pitaka nakalapag lamang sa sofa.

--Ads--

Makikita sa footage na dahan-dahan niyang binubuksan ang sliding door ng tindahan.

Nag-abang ito ng pagkakataon para makapasok sa loob at agad dinampot ang nasabing pitakang naglalaman ng P3,000 at ATM card.

Ilang araw ang makalipas ay nakita na lamang ang wallet sa labas ng tindahan.

Wala na ang pera ngunit, naroroon pa rin ang mga ATM cards.

Nag-iwan naman ng letter ang suspek kung saan ay humihingi ito ng tawad.

Sa kaniyang apology letter, ipinaliwanag niyang may matindi lang siyang pangangailangan kaya niya ito nagawang nakawin.