Nakumpiska ng pulisya ang 1.25 grams na shabu at buy bust money sa isang suspek na kanilang nahuli sa bayan ng San Quintin, Pangasinan sa kanilang isinagawang buy bust operation.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ. Zainon Paiking, ang chief of police Pozorrubio PNP, napag-alamang dumayo lamang umano ang suspek sa kaniyang mga kamag-anak sa nasabing lugar upang magbenta ng ilegal na droga.

Iniimbistagahan na rin aniya ng kanilang hanay ang mga parokyano ng ginang na 43-taong gulang, single at isang caregiver at nakalista rin bilang isang street level individual ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng San Quintin.

--Ads--

Sa pakikipag-koordina ng himpilan ng San Quintin Police station sa kanilang pagsasagawa ng buy bust operation at matagal na rin umanog nilang minamanmanan ang naturang suspek at ayon sa Intelligence information, sa naturang bayan siya nagbabagsak ng ilegal na droga.
Umabot sa P2,600 ang halaga ng kabuuang nakumpiska ng pulisya sa suspek kabilang na rito ang 1.25 grams na shabu.

Pagbabahagi pa ni Paiking na noong taong 2022 umabot 33 katao ang kanilang naaresto sa kaugnay na kaso samantalang makaraang Enero ngayong taon ay mayroon lamang dalawa at pangatlo lamang itong panibagong kaso ng ilegal na droga sa kanilang naitatala.

Samantala patuloy naman ang kanilang isinasagawang programa na Buhay Ingatan, Droga Ayawan o BIDA program katuwang ang kasimbayanan, simbahan at pamayanan at ang mga kapulisan.

TINIG NI ZAINON PAIKING