Mga kabombo! Nauubos mo ba ang isang slice ng cake sa isang upuan lamang? Paano naman ang isang slice ng cake mula sa kasal nina Queen Elizabeth II at Prince Philip na hindi pa ubos at nahaharap ngayon sa isang auction.
Kung binabalak mong makipagtunggali sa nasabing auction, maghanda ka lamang ng $2,831 o higit P164,000 para maangkin ito.
Nagtagal ito sa pangangalaga ni Marion Polson, housekeeper sa Holyrood House sa Edinburgh, dahil natanggap niya ito bilang regalo mula sa royal couple.
Sinabi naman ni Auction house Reeman Dansie na ang naturang slice ay parte ng 500-pound baked dessert na inihain noong Nov. 20, 1947 sa kasal ng royal couple.
Nakalagay naman ito sa isang kahon na may nakatatak na pilak na insignya ni Princess Elizabeth noon at kasama ang naka-print na liham mula sa nobya at isang pandekorasyon na doily.