Refund para sa libo-libong customers ang ipinangako ng isa sa mga malaking restaurant chain sa China dahil viral video na pag-ihi ng isang patron sa kanilang kumukulong hotpot.
Sa nasabing video, makikita ang isang lalaki na nakatayo sa lamesa sa Haidilao sa Shanghai at iniihian nito ang nasabing hotpot.
Sumiklab naman ang pagbabatikos ng publiko sa video at karamihan sa mga ito ay nagalit at nandiri sa nasabing branch ng restaurant kung saan kanilang kinwestyon ang food safety nito bilang isa sa mga kilalang kainan sa China.
Kinumpira naman ng Haidilao ang insidente at humingi na sila ng paumanhin. Sila rin ay gumagawa na rin ng legal na aksyon hinggil sa insidente.
Ayon sa kanila, Pebrero 24 ito nangyari nang magdine in sa isang private room ang 2 lalaki.
Handa mag-alok ang restaurant ng kompensasyon sa kahit sinong customer na nagdine-in sa pagitan ng February 24 hanggang March 8 kung saan sa kanilang datos, may kabuoan itong 4,100 orders.
Samantala, naaresto naman ng mga kapulisan sa Shanghai ang nasabing umihi sa hotpot. Pinangalanan na lamang sila bilang siana Tang at Wu, parehong 17 taon gulang. Ang dalawang binata ay inilagay sa ilalim ng “administrative detention”.