Isa ang nasawi habang sugatan ang 13 katao matapos sumiklab anng sunog sa isang shopping mall sa Aden Street sa Marib Governorate, Yemen.

Natupok umano nito ang naturang mall habang nadamay ang kalapit pamilihan ng mga sapatos.

Bahagyang napinsala naman ang kalapit furniture store subalit, agad naman nailigtas ang mga nilalaman nito.

--Ads--

Naapula naman ang sunog at napigilan ang paglawak pa nito dahil sa pagtutulungan ng mga grupo ng Civil defense at police forces.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.