BOMBO RADYO– Torture ang inabot ng isa umanong seriel killer mula sa mga kapulisan ng Kenya para lamang umamin ito sa kaniyang krimen.

Ayon sa mga otoridad, umamin si Collins Jumaisi Khalusha, 33 anyos, na pinaslang nito ang 42 na mga kababaihan noon pang 2022. Kabilang na dito ang kaniyang sariling asawa bago ito maaresto.

Dinetina naman ito matapos madiskubre ang 9 na putol-putol na mga labi sa abandonadong quarry sa Nairobi.

--Ads--

Itinanggi naman ng mga prosecutor na nakaranas ng mga hindi kaaya-aya sa kamay ng mga kapulisan.

Samantala, sinabi naman ng abogado ng akusado na si John Maina Ndegwa na minolestya umano ng mga kapulisan ang kaniyang kliyente at katawa-tawang minungkahi ng mga ito na umamin na ito sa mga krimen na ginawa ni Khalusha.

Hindi naman nagsalita si Khalusha sa pagdinig, umaasa si Ndegwa na tatanggalin sa court records ang pag-amin ni Khalusha.