Dagupan City – Nasawi ang isang Senior Citizen matapos pagbabarilin ng ilang beses sa lungsod ng Alaminos dahil sa away sa lupa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt Ivan Cliff Ananayo – INTEL/Human Rights Affairs Office at Police Commissioned Officer ng Alaminos City Police Station kinilala ang biktima na si Marcellano Rabina, 66-anyos habang ang suspek naman ay kinilala na si Leonardo Fontanilla, 69-anyos at kapwa residente ng Brgy. Pandan sa lungsod.
Sa isinagawang imbistigasyon, napag-alaman na bandang alas-10 ng umaga nang makatanggap ang kanilang tanggapan ng shooting insident sa lugar.
Agad naman itong inaksyunan at sa tulong na rin ng mga saksi, sinabing nakita pa umano ang suspek na sakay ng isang motorsiklo.
Dito na nito hinarang ang biktima na sakay rin ng isang motorsiklo, hanggang sa huminto ito sa kaniyang harapan at bumunot ng baril, dito na nga pinagbabaril ang biktima.
Nakatakbo pa naman ito ng ilang metro, ngunit hinabol siya ng suspek at muling binaril sa ito sa ulo, na nagdulot ng kanyang agarang kamatayan.
Sa kasalukuyan, arestado na ang suspek at nahaharap sa karampatang kaso.