Mga Kabombo! Naniniwala ka ba sa time travel?

Naniniwala ka rin ba na kaya ng isang tao na masabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap?

Isang self proclaimed time traveler kasi ang nagbigay ng nakakabahalang mga prediksyon para sa taong 2025.

--Ads--

Kinilala ang lalaking ito bilang si Elvis Thompson, na nag-post ng isang video sa social media at nagbigay ng limang tiyak na petsa kung kailan mangyayari ang mga malalaking kalamidad.

Ang mga prediksiyon niya ay kinabibilangan ng isang malakas na tornado sa Oklahoma, isang digmaang civil war sa Amerika, pagtuklas ng isang dambuhalang nilalang sa dagat, pagdating ng isang alien na tinatawag na “Champion,” at isang malaking bagyo sa Amerika.

Sa kanyang video, sinabi ni Thompson na sa Abril 6, isang tornado na 24 kilometro ang lapad at may bilis ng hangin na 1,046 kilometro kada oras ang magwawasak sa Oklahoma.

Tinataya rin niyang sa Mayo 27, magsisimula ang pangalawang digmaang sibil sa Estados Unidos na magdudulot ng paghiwalay ng Texas at magpapasimula ng isang pandaigdigang labanan gamit ang mga sandatang nuklear, na magreresulta sa pagkawasak ng Amerika.