BOMBO DAGUPAN -Delikado minsan ang buhay ng isang seaman ngunit kailangan umanong magpakatatag para sa pamilya

Ayon kay Mike Aranda, isang seaman, sa naging panayam sa kanya ng bombo radyo Dagupan, silang mga nagtratrabaho bilang seaman ay may pinipirmahan na kontrata kung saan ay may bayad sila na matatanggap ang pamilya kung sakaling may masamang nangyari sa kanila sa gitna ng karagatan.

Ang option ng ibang shipping company ay iniiwasan na lamamg ang mga lugar na delikadong madaanan.

--Ads--

Kuwento nito ay nasubukan na niyang makadaan sa red sea mula UAE papuntang Yemen.

Nakakatakot pero wala aniya silang magawa. Kamakailan ay dumaan din ang missile ng Houthi sa harapan ng sinasakyan nilang barko.

Kaya ang payo niya sa mga naglalayag namagdasal bago bumiyahe, at magpakatatag para sa pamilya.