Ikinagulat at labis na ipinagtataka ng isang residente sa Florida nang makita nito ang isang sasakyan na nakaparking sa taas ng basurahan.

Ayon sa isang manggagawa, binuhat ng forklift ang sasakyan sa taas ng basurahan dahil nasa malaging lugar umano ito nakaparking.

Naiwan kase umanong nakaparking ang sasakyan malapit sa itinatayong apartment complex.

--Ads--

Saad pa ng construction worker, ganito ang maaaaring kahinatnan ng isang sasakyan na nakaparking sa lugar na hindi dapat ito nagpaparking.

Kalaunan ay tinanggal din ang sasakyan at inilipat sa isang parking space na malayo sa kanilang tinatayong gusali.

Napag-alaman din ng mga construction worker na pagmamay-ari pala ito ng isang contructor na pinapahiram ang kaniyang sasakiyan para may gamiting transportasyon ang mga manggagawa nito na malayo at labas pa ng bayan ang kanilang bahay.