Nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang isang sales man matapos itong mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa siyudad ng San Carlos.

Nakilala ang biktima na si Christian Resa, 23 anyos na residente ng Brgy Romulo Poblacio sa naturang bayan.

Ayon sa impormasyon, tinatahak ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo patungong westbound ng kakalsadahan ng Brgy Tandoc, ng bigla na lamang itong mawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang tumilapon ito at mawalan ng malay.

--Ads--

Agad namang itinakbo ng mga rumespondeng kapulisan ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.

Samantala, sa imbestigasyon naman ng mga otoridad napag alaman na ang biktima ay napag alaman na hindi ito nakasuot ng helmet at nasa impluwensya ng alak habang nagmamaneho. // Report of Bombo Mariane Esmeralda