BOMBO DAGUPAN- Napalubog umano ng militar ng Ukraine ang isang Russian submarine matapos nila itong atakihin habang nasa Crimean peninsula.

Lumubog ang Rostov-on-Don, isang kilo-class attack submarine, matapos itong matamaan ng isang missile attack sa port city ng Sevastopol, nitong biyernes lamang.

Ang nasabing submarine at isa sa apat na inooperate ng mga Black Sea Fleet ng Russia na may kakayahang maglunsad ng Kalibr cruise missile. Ngunit wala pang pahayag ang Russian defence ministry patungkol dito.

--Ads--