Mga kabombo! Natikman at nasasarapan ka ba sa kebab meat at french fries?
Gumawa ng world record ang isang restaurant sa Campbelltown, sa New South Wales, sa Australia matapos silang magluto ng 1,212 pounds o 549.75 kg kebab meat at french fries upang pakainin ang mga dumalo sa isang festival.
Upang mahigitan ang record, nagsimula ang naturang restaurant sa 660 pounds ng uncooked fries at higit 1,300 pounds ng uncooked chicken at beef.
May bigat na 660 pounds ang nalutong kebab habang 552 pounds naman ang bigat ng nalutong french fries.
Inihain naman ang mga ito sa mga lamesa na may habang 300-feet at inihain para sa mga festival-goers.
Nagwagi naman ang naturang restaurant para masungkit ang titulong “largest serving of doner kebab meat and chips“.